Personal na nagtungo sa Department of Justice (DOJ) si Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista.
Ito’y para maghain ng kasong cyber libel laban kay Mar Valbuena ng Manibela dahil sa mapanirang pahayag nito.
Bukod dito, inireklamo rin ni Baustista ang dating brodkaster na si Ira Panganiban dahil sa post nito sa social media kung saan nakasaad dito na tumatanggap daw ang kalihim ng lagay sa nangyayaring korapsyon sa LTFRB.
Sinabi pa ni Bautista na hindi niya personal na kilala si Jeff Tumbado kung saan pinaiimbestigahan na rin niya sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga isiniwalat nito.
Giit ni Bautista, nais lamang niyang linisin ang kaniyang pangalan sa mga ibinabatong isyu sa kaniya at sa DOTr.
Aniya, dapat din daw papanagutin ang mga indibidwal na naninira ng wala namang sapat na dahilan lalo na’t suportado ng mga transport group ang mga programa at plano ng DOTr.