
Tuluyang nakalusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon.
Walang tumutol sa mga miyembro ng CA at mabilis na nakalusot ang appointment ni Dizon.
Kasama rin sa inaprubahan na ad interim appointment sa plenaryo ng CA sina Civil Service Commission Commissioner Luis Pangulayan, Commission on Audit Commissioner Douglas Michael Malalin na parehong magtatapos ang termino sa February 2, 2032.
Lusot din sa CA ang ad interim appointment ng 86 na Generals, Flag Officers at Senior Officers ng Armed Forces of the Philippines.
Facebook Comments









