Sorpresang ininspeksyon ng Department of Transporation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang iba’t ibang istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ito ay upang makita ang sitwasyon sa iba’t ibang istasyon ng MRT-3 at para personal ding maranasan ang araw-araw na biyahe sa tren ng mga pasahero.
Binisita ni Bautista ang tatlong istasyon ng MRT-3 at sumakay sa tren simula Kamuning Station hanggang Taft Avenue Station.
Kabilang sa mga napansin ng kalihim sa mga istasyon ng tren ang pangangailangan na magdagdag ng waiting seats para sa mga senior citizen, Persons with disabilities (PWDs), at mga buntis; gayundin ang pagdadag ng mga X-ray machine, at paghikayat sa mga pasahero na gumamit ng stored value tickets upang mabawasan ang mahabang pila.
Ang kopya ng mga rekomendasyon ni Bautista ay ipinadala naman kina MRT-3 Undersecretary for Rails Cesar Chavez at MRT-3 Officer incharge (OIC)-General Manager Ofelia Astrera.