Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nagpaplano ang pamahalaan na magtayo ng subway system sa Metro Manila sa tulong ng Japan sa ilalim ng Japan International Cooperation Agency.
Sinabi ni Tugade sa briefing kanina sa Hong Kong, nasa proseso na ngayon ang malaking proyekto na ito na nagkakahalaga ng 290-300 billion pesos.
May haba aniya ang naturang subway system na 23-25 kilometers na may 14 na istasyon na pipilipin aniya nilang matapos bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Tugade na inaasahan nilang malalagdaan ang subway system project sa nobyembre sa pagdalo ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa ASEAN meeting sa bansa.
Sinabi naman ni BCDA President Vince Dizon mula Taguig hanggang Quezon City ang itatayong Subway system.
DZXL558