DOTr, suportado ang rekomendasyon ng IATF kaugnay sa pagbabalik-pasada ng mga motorcycle taxi

Inihayag ni Secretary Arthur Tugade ng Department of Transportation (DOTr) na suportado nito ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at ng Economic Development Cluster (EDC) kaugnay sa pagbabalik-pasada ng mga motorcycle taxis.

Ayon kay Tugade, kinikilala ng DOTr ang tulong na maibibigay ng mga motorcycle taxi bilang isang commuting option para sa mga mananakay.

Ito rin aniya ay malaking tulong sa public commuters bunsod ng limitadong kapasidad ng pampublikong transportasyon ngayong panahon ng pandemya.


Dagdag pa niya, hinihintay na lang na maipasa ang isang resolution sa Kongreso upang magsisilbing legal na basehan ng ahensya upang payagan ang operasyon ng mga motorcycle taxi.

Tiniyak naman ni Tugade na tatalima ang DOTr sa mga panuntunan na ipatutupad ng Kongreso, IATF, at EDC kaugnay sa pagbabalik pasada ng mga motorcycle taxi para sa pangkalahatang kapakanan ng mga mananakay.

Facebook Comments