Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na simula na ngayong araw ang interim operations o pansamantalang operasyon ng EDSA Busway.
Ayon kay DOTr Arthur Tugade, ito ay upang tulungan ang mga pasahero ng MRT-3.
Kasama ng interim operations ng EDSA Busway ang mga bus stop mula sa Monumento hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Gagamitin naman ng mga bus na mula sa Monumento papunta ng Quezon Avenue ang mga bus stop upang magpick-up at magpababa ng mga pasahero sa mga bus stop ng Bagong Barrio, LRT Balintawak, Kaingin Road, LRT Muñoz Station, MRT North Avenue Station (Southbound-Loading only, Northbound-Unloading only) at MRT Quezon Avenue Station (Southbound-Loading only, Northbound-Unloading only).
Habang ang mga bus mula Buendia papuntang PITX ay pwede magpababa at magpick- up sa mga bus stop ng Buendia, Ayala (Southbound-Unloading Only, Northbound-Loading and Unloading), Magallanes, Evangelista/Malibay, Taft Avenue (Southbound-Unloading only, Northbound-Loading only), Roxas Boulevard, Macapagal Avenue, SM Mall of Asia at PITX.
Sinabi ni Tugade na meron 550 bus units ang authorized na gumamit ng EDSA Busway, pero ngayong araw meron pa lang 150 bus units ang inilibas ng mga bus operators.