Thursday, February 5, 2026

DOTr, tiniyak ang pagpapalawak sa mga runway sa mga lalawigan para mapababa ang halaga ng domestic airfares

Tiniyak ng Transportation Department ang pagpapalawak sa mga runway ng mga paliparan sa mga lalawigan.

Partikular na target ng Department of Transportation (DOTr) ang haba na 2,100 meters na runway para maka-accommodate ng mas malalaking aircraft.

Layon nito na mapababa ang airfare sa domestic destinations at para makahikayat ng mas maraming lokal na turista.

Una nang inihayag ng Civil Aeronautics Board (CAB) na ang rate ng pamasahe sa eroplano sa domestic destinations ay nakasalalay sa laki ng eroplano at sa bilang ng pasaherong maaaring isakay sa aircraft.

Ayon sa CAB, kung malaki ang eroplano at maraming maaaring isakay na pasahero, mas mababa anila ang presyo ng tiket.

Tinukoy ng CAB ang kapasidad ng Airbus 330 na ginagamit sa mga malalaking paliparan sa bansa tulad ng Cebu, Davao at General Santos City, maaari anila itong magsakay ng 459 na pasahero.

Habang ang turboprop, tulad ng ATR-72, ay may kapasidad lamang na 72 na pasahero kaya mas mataas ang airfare.

Ipinaliwanag din ng CAB na ang mga paliparan sa bansa, tulad ng mga airport sa Catarman, Siargao, Antique at Busuanga ay maaari lamang magamit ng maliliit na tuboprop aircraft, dahil sa maiksi ang kanilang mga runway.

Facebook Comments