DOTr, tiniyak ang patas na imbestigasyon sa airport taxi na natukoy na nag-overprice

Kinumpirma ni Transportation Secretary Jaime Bautista na tukoy na nila ang operator at driver ng airport taxi na sangkot sa paniningil ng mahigit P10,000 sa dayuhang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (AIA).

Sinabi ni Bautista na kinansela na ng Department of Transportation (DOTr) ang permit sa NAIA ng sangkot na taxi operator.

Ayon sa kalihim, sa ngayon ang driver ng taxi ay nasa probinsya na.


Ipapaubaya naman ni Bautista sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-iimbestiga at paghahain ng reklamo laban sa operator at driver.

Tiniyak naman ng kalihim na bibigyan nila ng patas na imbestigasyon ang mga sangkot sa insidente.

Sa video ng insidente na nag-viral sa social media, makikita ang ipinirisintang taxi rate sa mga turista na nagkakahalaga ng P9,700 hanggang P13,500 mula sa NAIA hanggang sa mga destinasyon sa Metro Manila.

Facebook Comments