DOTr, tiniyak ang seguridad sa mga pampublikong sasakyan kasunod ng bomb threat

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na gumagawa sila ng mga hakbang para matiyak ang seguridad ng publiko kasunod ng bomb threat sa Metro Rail Transit o MRT-3.

Partikular ang bomb threat na natanggap sa pamamagitan ng email.

Una nang bumuo ng task force ang Office for the Transportation Security, Department of Information and Communications Technology (DICT) Cybercrime Investigation Coordinating Center, at Philippine National Police (PNP) para sa pagpapaigting ng seguridad sa transportation sector.


Patuloy rin ang assessment ng mga awtoridad sa kredibilidad ng banta para pagbasehan sa susunod nilang gagawing aksyon.

Umapela naman ang DOTr sa publiko na iwasang magpakalat at mag-share ng mga hindi beripikadong impormasyon para hindi ito magdulot ng takot sa publiko.

Facebook Comments