DOTr, tiniyak na flood resilient ang Metro Manila Subway

Photo Courtesy: Department of Transportation | Facebook (Screen Capture)

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na magiging flood resilient ang Metro Manila Subway Project.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, katuwang nila ang JIM Technology Corporation ng Japan sa proyekto.

Aniya, subok at maaasahan ang karanasan, kakayahan at teknolohiya ng mga Hapon lalo na sa pagtatayo ng railway system.


Dagdag pa ni Tugade, bago gawin ang proyekto ay nagsasagawa muna ng masusing soil at ground testing.

Noong 2018, nilagdaan ng Philippine officials ang 104.53 billion yen o 51 billion pesos na loan deal sa Japan International Cooperation Agency (JICA) para pondohan ang first phase ng subway project.

Facebook Comments