DOTr, tiniyak na ligtas ang mga airport at seaports sa harap ng patuloy na aftershocks sa Visayas

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na ligtas ang lahat ng airports at seaports sa Visayas sa harap ng nararanasang patuloy na aftershocks ng lindol sa rehiyon.

Sa kabila nito, patuloy ang inspeksyon ng mga tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Philippine Ports Authority (PPA) sa mga pasilidad ng mga paliparan at pantalan para matiyak ang seguridad ng mga empleyado at pasahero.

Tiniyak din ng departamento na walang natuklasang mga pinsala sa naturang mga gusali.

Kinumpirma rin ng Transportation Department na nakatakdang tumulak ang BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG), kasama ang ilang doktor, nurses, medics at bitbit ang basic emergency equipment para sa mga apektadong lugar sa Cebu.

Facebook Comments