DOTr, tiniyak na ligtas sa COVID-19 ang mga pantalan sa bansa

Inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nagpapatupad na ng mga hakbang ang Philippine Port Authority (PPA) upang mapanatiling Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) free ang mga pantalan sa bansa bilang paghahanda sa new normal nito.

Ayon kay Tugade, kabilang na rito ang misting sa mga bagahe at cargo ng mga pasahero.

Mahigpit din aniya na ipatutupad ang pagsusuot ng face masks at palaging paghuhugas ng kamay bago pumasok sa mga pantalan.


Maglalagay rin aniya ng mga palatandaan para sa social distancing at pagkuha ng mga impormasyon ng mga pasahero para naman sa contact tracing.

Maglalagay rin ng COVID-19 Testing Facilities ang PPA sa ilang piling pantalan sa bansa.

Bilang bahagi ng new normal aniya, isinusulong na rin ng PPA ang “No Contact Transaction” tulad ng pagbili ng mga pasahero ng ticket sa online, at paggamit automated payment scheme at automated cargo payment regime.

Nakikipatulungan na rin ang PPA sa ilang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Health (DOH) kaugnay sa paglaban kontra COVID-19.

Facebook Comments