DOTr, tiniyak na may sapat na mga bus na bibiyahe para sa BSKE at Undas

Tiniyak ni Transportation Secretary Jaime Bautista na mayroong sapat na mga bus na bibiyahe sa araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas 2023.

Ginawa ni Bautista ang pahayag kasabay ng ginawang inspeksyon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong araw.

Ani Bautista, nakipag-ugnayan na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga kompanya ng bus na mag-deploy ng karagdagang bus unit bilang paghahanda sa dagsa ng mga pasahero sa mga terminal.


Sa panig ng LTFRB, sinabi ni Officer-in-Charge Mercy Leynes na nasa 770 na special permits ang inisyu ng ahensya sa mga bus company simula pa noong October 20.

Ayon pa kay Leynes, maaaring mag-issue on the spot ang LTFRB ng special permit sa PITX para sa karagdagang deployment ng mga bus.

Facebook Comments