DOTr, tiniyak na walang delay sa pagbibigay ng tulong sa mga LSI

Walang delay sa pagtulong ang Pamahalaan sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs).

Ito ang pagtitiyak ng Department of Transportation (DOTr) matapos silipin ni Secretary Arthur Tugade ang sitwasyon ng mga LSI.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Communications Godess Hope Libiran, aabot na sa 825 LSI na nananatili sa loob at labas ng NAIA Terminal 3 ang natulungan ng DOTr at idinala sa Villamor Elementary School at Philippine State College of Aeronautics sa Pasay City mula June 8 hanggang 12.


Aabot naman sa 395 LSIs ang natulungan ng DOTr na mapauwi sa kanilang mga probinsya sa tulong ng mga airline companies at Civil Aeronautics Board (CAB).

Nasa 430 LSIs ang napauwi na rin mula June 13 hanggang 18.

Bukod dito, ang Philippine Coast Guard (PCG) ay nakapagpauwi na rin ng 15,000 LSI sa ilalim ng Hatid Tulong Program.

Ang BRP Gabriela Silang ay nakapagpauwi ng 150 LSIs sa Davao at General Santos City nitong June 16 at 180 LSIs sa Zamboanga, General Santos, Davao, at Cagayan de Oro City nitong June 26.

Ang Philippine National Railways (PNR) ay nakapagpauwi ng 234 LSI sa Bicol Region mula June 20 at June 25.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DOTr na patuluyin ang mga LSI sa NAIA hanggang sa magkaroon na ng biyahe pauwi sa kanilang mga probinsya.

Facebook Comments