Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na walang magiging pagtaas sa pasahe at serbisyo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos kumuha ang gobyerno ng maintenance system provider para sa paliparan.
Ayon kay DOTr Sec. Jaime Bautista, gobyerno pa rin naman ang regulatory function ng paliparan kaya hindi otomatikong magkakaroon ng taas-pasahe sa eroplano at serbisyo nito.
Aniya, hindi rin pagsasapribado ang tawag sa pagkuha sa serbisyo ng isang pribadong kompanya.
Giit pa ng kalihim, kasunduan lamang sa pagitan ng pribadong kompanya para sa operasyon ng paliparan ang kanilang papasukin at hindi pagsasapribado.
Facebook Comments