Tiniyak ng rail sector ng Pilipinas kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida na nasa tamang landas pa rin para sa completion ang progreso ng railway expansion sa bansa.
Sa isang pahayag, pinuri ni Transportation Secretary Jaime Bautista si PM Kishida.
Tinawag ni Secretary Bautista si PM Kishida na isang walang pagod na cheerleader para sa pag-unlad ng Pilipinas.
Paliwanag pa ni Bautista, ang rail sector ng Pilipinas ay nakatanggap ng bilyun-bilyong piso mula sa Japanese aid.
Bago pa naging Punong Ministro si PM Kishida, naging instrumento ito sa funneling ng Japanese assistance sa ambitious rail expansion ng bansa.
Humigit-kumulang siyam na malalaking ticket transport projects sa bansa ang itinatayo na pinopondohan ng Japanese aid.
Kabilang dito ang limang Rail Projects na LRT Line 1 Cavite Extension, LRT Line 2 East Extension, MRT Line 3 Rehabilitation and Maintenance, North-South Commuter Rail System at Metro Manila Subway Project.
Kaugnay nito, nakatakdang bisitahin ni Prime Minister Kishida ang Subway Project Depot at ang train simulator room nito na matatagpuan sa Valenzuela City ngayong araw.