DOTr, tuloy pa rin sa pagdaragdag ng bus at tren sa kabila ng pansamantalang pagsuspinde sa EDSA rehab

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na tuloy pa rin ang pagdaragdag ng EDSA bus carousel at mga tren sa MRT kahit na inanunsiyo ni Pangulong ‘Bongbong’ Marcos ang pagpapatigil muna sa pagsisimula ng EDSA Rebuild Project.

Nauna na itong inanunsiyo ng DOTr nang ilatag sa publiko ang mga plano ng ahensiya kapag nasimulan na ang EDSA Rebuild Project.

100 units ng EDSA bus carousel para sa EDSA busway ang idaragdag, gayundin mas maraming tren sa MRT-3.

Sinabi ng DOTr na tugon din ito ng ahensiya upang gawing mas convenient ang communting experience ng mga pasahero ng EDSA busway at MRT-3.

Facebook Comments