
Bukas ang Department of Transportation (DOTr) sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpaliban ang pagsisimula ng EDSA Rebuild Project na nakatakdang simulan ngayong buwan.
Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, binigyan sila ng Pangulo ng isang buwan upang makahanap ng bagong paraan kung paano mapapaiksi ang proyekto mula sa orihinal na dalawang taon tungo sa anim na buwang target ng pagtatapos ng EDSA rehabilitation.
Dagdag pa ni Dizon, makikipagtulungan ang DOTr sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang pag-aralan ang mga bagong teknolohiyang binanggit ni Pangulong Marcos, na maaaring makatulong upang mapabilis ang proseso ng buong EDSA Rebuild Project.
Binanggit din ni Dizon na suspendido muna ang implementasyon ng odd-even scheme sa EDSA na dapat sana’y magsisimula ngayong Hunyo 16.









