Bagama’t hindi nakasama sa proposed 2023 national budget ang ₱778 million na pondo para sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.
Umaasa ang Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon ng constitutional amendments ang Kamara at Senado para mapasama ang halagang ito sa 2023 national budget.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOTr Usec. Mark Steven Pastor na hindi titigil ang kanilang ahensya na humiling para rito.
Sa ngayon aniya, may 6,000 modern jeepneys ang tumatakbo at patuloy pa itong madadagdgan dahil mayroon pang equity subsidy na binibigay ng mga stakeholders.
Pero malaking tulong aniya kung maaprubahan ang halos 800 milyong piso para sa PUV modernization program.
Facebook Comments