DOTr, umapela sa Manibela at iba pang transport groups na makipagdayalogo na rin sa kanila

Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa grupong Manibela at iba pang transport groups na makipag-usap na rin sa kanila.

Partikular ang kanilang hinaing hinggil sa Public Transportation Modernization Program (PTMP).

Iginiit ng DOTr na ang maayos na dayalogo ang pinaka-epektibong paraan para magkaroon ng konkretong solusyon sa mga matagal nang isyu kaugnay ng nasabing programang.


Iginiit ng DOTr na ginagalang nila ang karapatan ng grupong Manibela at ng iba pang transport groups sa pagsasagawa ng kilos-protesta, ngunit hindi anila ito dapat makaapekto sa kabuhayan ng mismong mga driver at operator.

Ang mga tsuper at operator aniya kasi ay umaasa lamang sa pamamasada para sa kanilang pang araw-araw na kabuhayan.

Facebook Comments