DOTr, umapela sa transport groups na makipagdayalogo sa halip na magsagawa agad ng kilos-protesta

Umapela si Department of Transportation o DOTr Secretary Jaime Bautista sa mga transport group na makipagdayalogo muna bago ituloy ang isang linggong transport strike.

Giit ni Bautista, mabuting pag-usapan muna at magkaliwanagan ukol sa balitang ipi-phase out na ang tradisyunal na mga pampasaherong jeep bilang pagbibigay daan sa Public Utility Vehicle Modernization Program.

Mungkahi ni Bautista, magsagawa muna ng dalayalogo sa pagitan ng mga stakeholders tulad ng transport operators at mga kinatawan mula sa DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Facebook Comments