DOTr, umapelang itaas ang pondo para sa road sector sa susunod na taon

Sa pagtalakay ng Senado sa 150.7 billion pesos na proposed 2022 budget ng Department of Transportation (DOTr) ay napuna ni Senator Grace Poe ang 1 milyong piso lamang na budget road sector.

Punto ni Poe, bakit tila pinabayaan ang road sector at ibinuhos ang malaking pondo sa railway sector na nilaanan ng P110 billion.

Nilinaw naman ni Transportation Secretary Art Tugade, P19.8-billion ang hiniling nilang budget para sa road transport sector projects nationwide sa susunod na taon pero P1 million lamang ang inilaan ng Department of Budget and Management (DBM).


Dahil dito ay humihingi ng tulong si Tugade sa Senado para maiataas ang pondo sa road sector para maisakatuparan ang mga programang katulad ng service contracting, bike lane at libreng sakay.

Samantala, sa budget hearing ay kinuwestyon naman ni Senator Imee Marcos ang mabagal na paggamit ng pondo ng DOTr.

Paliwanag naman ng DOTr noong sinusuri ng Commission on Accounts ang book of accounts nito ay hindi pa naisama sa pagkwenta sa disbursement rate at absorptive capacity ang loan proceeds.

Naungkat din ni Marcos ang pondo ng ilang ahensya na natutulog sa Philippine International Trading Corporation (PITC) kabilang ang 63 million mula sa MARINA kung saan ilan sa pondo ay 1-6 na taon nang natutulog ang budget.

Paliwanag naman ni MARINA Administrator Ret VADM Robert Empedrad, lagi silang nagpa-follow up sa PITC.

Kinuwestyon naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang kabagalan sa paggawa ng Bukidnon Airport.

Facebook Comments