DOTr Usec. Cesar Chavez – dumipensa sa isinampang kasong graft sa kanya sa Ombudsman

Manila, Philippines – Sinagot ni Usec. for Rails Cesar Chavez ang kasong graft na isinampa laban sa kaniya ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) na nag-ugat sa hindi pagpapalabas ng DOTr sa natitirang singilin nito alinsunod sa pinasok nilang kontrata.

Kasama ni Chavez na kinasuhan ay sina Atty. Hernando Cabrera at Jorgette Bellen.

Nagsabwatan umano ang mga ito sa pag-ipit sa payments sa BURI na nagdulot ng malaking pagkalugi sa naturang maintenance provider ng MRT 3.


Ayon kay Chavez, hindi siya maaring paratangan ng graft dahil ang layunin niya sa pag-ipit sa kabayaran ay para protektahan ang pondo ng gobyerno.

May kaugnayan aniya ang kaso sa singilin sa kanila ng BURI sa pagbili ng Logic Vehicle Unit na nagkakahalaga ng P4million.

Nabili nila ito sa Diamond Pearl, na pag-aari ng pamilya ni Marlo De La Cruz.

Ang LVU ay bahagi ng Automatic Train Protection (ATP) onboard signaling.

Ang original equipment manufacturer ng signaling system sa MRT ay Bombardier.

Walang Certificate of Origin at Factory Inspection Report na nakasama sa billing ng LVU na kanilang hinihingi muna kaya hindi pa ito nababayaran.

Ayaw nilang masita ng COA kung kayat sinisinop nila ang pagsusuri ng billing.

Nais nilang tiyakin na original ang spare parts at hindi rin galing sa ‘cannibalized’ o kinuha lang na pyesa sa ibang bagon.

Facebook Comments