DOTr Usec. De Leon, tiniyak na hindi titiklop sa mga raliyista

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ni Department of Transportation Assistant Secretary Mark De leon na ang Duterte administration ang tanging nakapagpakita ng tunay na katatagang pampulitika upang maisulong ang modernisasyon sa sektor ng transportasyon.

Ayon kay Asec. Mark de leon, sinubukan na rin ng mga nagdaang administrasyon na ipatupad ang PUJ modernization.

Pero, hindi naipatutupad ang tunay na pagbabago sa transportasyon dahil agad na tumitiklop ang mga ito sa mga kilos protesta.


Naniniwala ang DOTr na sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga major operators at driver sa buong bansa, magkakaroon ng katuparan ang hangarin ni Duterte na ma-modernize ang transport sector.

Facebook Comments