DOTr, wala nang nakikitang hadlang sa pagpapatupad ng taas-pasahe bukas sa LRT-1

Wala nang nakikitang dahilan ang Department of Transportation (DOTr) para hindi ituloy ang fare adjustment sa Light Rail Transit o LRT-1 epektibo bukas, April 2.

Ayon sa DOTr, matagal nang nakabinbin ang taas pasahe sa LRT-1 at taong 2023 pa ang unang fare hike.

Nilinaw rin ng Transportation Department na ang pagtaas sa pamasahe sa LRT-1 ay gagamitin hindi lamang sa maintenance kundi maging sa extension ng linya patungong Cavite.


Mas mababa rin anila ito kumpara sa orihinal na isinumite ng Light Rail Management Corporation.

Epektibo bukas, ang minimum na pamasahe na sa LRT-1 ay magiging P20 mula sa P15 para sa single journey tickets.

Habang ang end-to-end trip naman mula sa Fernando Poe Jr., station sa Quezon City hanggang sa Dr. Santos station sa Parañaque ay magiging P52 mula sa P43 para stored value cards.

Magiging P55 naman mula sa P45 ang single journey tickets para sa end-to-end trip.

Facebook Comments