DOTr, walang balak na mag-shutdown ng operation kahit kumalas ang bagon kaninang umaga

Manila, Philippines – Walang balak ang Department of Transportation o (DOTr) na itigil muna ang operasyon ng MRT upang mahanap ang sinasabing mga problemang teknikal sa MRT 3.

Ito ay bilang tugon sa mismong naging mungkahi ni Senator Grace Poe kasunod ng paghiwalay ng isa sa tatlong bagon at naiwan sa Ayala station.

Sa pulong balitaan, sinabi ng Manuel Mendoza ng DOTr na palaisipan sa kanila kung bakit nakalas ang bagon.


Sa katunayan, hanggang sa ngayon ay hindi pa masabi ng DOTr kung mechanical o human error ang nangyari.

Ayaw ding sabihin ng ahensya kung sabotahe ang nangyari.

Sa halip na i-shutdown ang operation, sinabi ng DOTr na magpapatupad sila ng mga kaukulang hakbang upang hindi na maulit ang insidente.

Kabilang sa balak na gawin ay gawin na lang labinglima ang tren na pabibiyahehin at gagawing 5:30 ang opening at 10:30 ang closing time ng biyahe ng MRT3.

Facebook Comments