
CAUAYAN CITY – Malaking tulong sa pagpapalakas ng produksyon ng palay hindi lamang sa Lambak ng Cagayan kundi sa buong bansa ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya, partikular ang tinatawag na double dry technology.
Ipinaliwanag ni Engr. Eduardo Guillen, Administrator ng National Irrigation Administration (NIA) na ang nabanggit na teknolohiya ay tumutulong sa mga magsasaka na makapagtanim sa panahon ng tagtuyot kaya’t naiiwasan ang pinsala mula sa bagyo at baha.
Tinukoy din ni Guillen na nasa 350,000 ektaryang lupain ang sasailalim sa naturang teknolohiya.
Dahil sa malawakang implementasyon ng double dry technology, inaasahan ng NIA na aabot sa 2 milyong metriko toneladang ani ng palay ang makakamit ngayong taon.
Facebook Comments









