Double hanggang multiple entries ng mga proyekto sa pambansang pondo, iiwasang mangyari sa 2024

Tiniyak ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na sisikaping hindi na mangyari sa 2024 national budget ang multiple entries sa mga proyekto.

Ito ay matapos tukuyin ni dating Senator Ping Lacson na sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act nasa 45 proyekto ang doble hanggang limang beses na nailista ang alokasyon habang sa 2024 National Expenditure Program (NEP) 26 na items naman kaya lumobo ng 109 percent hanggang 328 percent ang mga hindi kinakailangang fund allocations.

Ayon kay Angara, ang mga nadobleng entries sa budget ay bahagyang natalakay sa budget briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) matapos din itong banggitin ni Senator Alan Peter Cayetano.


Tinukoy ni Cayetano ang mga double entries sa budget items ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na naaprubahan sa ilalim ng 2023 GAA at sa kabila ng inalis ang mga natukoy na nadoble na pasok na proyekto ay may natira pa ring P2 billion na halaga ng duplicate items sa pamabansang pondo.

Bagama’t hindi naman nagamit ang sobrang pondo at ito ay naibalik din sa National Treasury, laking panghihinayang naman ni Angara dahil ang nasabing pondo ay nagamit sana agad sa pagtatayo ng mga dagdag na silid-aralan at kalsada.

Sinabi ni Angara na isa sa napag-usapan na solusyon ay gawing mas high-tech o mas moderno ang pagpoproseso ng entries dahil sa kasalukuyan ay lumang software lang ang gamit at hindi nate-trace ang mga double entry sa budget.

Facebook Comments