DOUBLE JEOPARDY | Kaso ni Trillanes, ayon sa isang abogado ng UP

Manila, Philippines – Naniniwala si Atty. Rowena Daroy Morales, director ng office of legal aid ng UP College of Law na hindi na maaaring kasuhan pa ng rebelyon si Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Professor Morales ito ay dahil nakasuhan at nadesisyunan na ang kasong rebelyon na isinampa laban kay Trillanes at iba pa nitong kasamahan kaugnay sa nangyaring Oakwood mutiny at Manila Peninsula siege noong 2003.

Maliban dito sinabi ni Prof. Morales na nagawaran na ng amnesty si Senador Trillanes at hindi ito maaaring bawiin basta-basta.


Bukod kasi sa Pangulo pinagtibay ng kapwa Kongreso at Senado ang amnestiyang iginawad kay Trillanes.

Paliwanag pa nito kapag muling idinemanda si Trillanes sa kaparehong reklamo o kaso na mayroon nang resolusyon ay maituturing na itong double jeopardy.

Ang double jeopardy ay isang procedural defense na pumipigil sa isang akusado na muling maharap sa kaparehong kaso na mayroon nang desisyon o conviction ang korte.

Facebook Comments