Itinuturing ng Commission on Human Rights (CHR) na tagumpay sa laban kontra extrajudicial killings ang hatol na guilty sa kasong double murder laban kay dating police officer Jefrey Sumbo Perez.
Ito’y kaugnay sa pagkamatay nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman.
Pinuri din ng CHR ang mga nagdaang hatol ng korte sa kaso ng pagkamatay ng dalawang kabataan.
Ayon pa sa CHR, dapat na imbestigahan na rin ang iba pang kaso ng umano’y human rights violations na kaugnay sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.
Taong 2022, naglabas ang CHR ng sarili nitong findings sa imbestigasyon sa mga pagpatay noong kasagsagan ng war on drugs ng Duterte administration kung saan nabigyan ng kopya ng rekomendasyon ang gobyerno .
Facebook Comments