Mahigpit ngayong ipinagbabawal ang double parking sa Dagupan City lalo ngayong Holiday Season maging sa pagsasaalang-alang na rin ng nagpapatuloy na mga road projects sa lungsod.
Kaugnay nito, ipinanawagan ng mga POSO enforcers ang pakikiisa ng mga motorista at mga drivers upang hindi dumagdag sa abala sa nararanasang daloy ng trapiko sa lungsod.
Ayon kay POSO Dagupan Deputy Chief Rexon De Vera sa panayam nito sa IFM Dagupan, nakaantabay ang lahat ng mga traffic enforcer upang matututukan ang naturang polisiya.
May karampatang parusa ang sinumang makita o mapatunayang lumabag sa batas trapiko kung saan titiketan ang mga ito sa 1st offense.
Dagdag niya, talagang inaaasahan na rin umano na dadami ang maitatalang nag dodouble park lalo ngayong Holiday season kaya naman dinagdagan na rin ang mga nakaantabay na enforcers sa mga kakalsadahan.
Samantala, aalalayan ang mga kakalsadahang makakapagtala ng bumper to bumper traffic upang mapanatili ang pagdaloy ng trapiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨