“Double standard” kay Pastor Apollo Quiboloy, pinuna ni Sen. Risa Hontiveros

 

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na patuloy ang “double standard” na pagtrato kay Pastor Apollo Quiboloy na hanggang ngayon ay nagtatago pa rin sa mga awtoridad.

Ayon kay Hontiveros, tuluy-tuloy pa rin ang “double standard” kay Quiboloy dahil patuloy pa rin itong nakakawala at hindi pa rin humaharap sa pagdinig ng Senado.

Habang ang mga ordinaryong mamamayan aniya kapag inimbitahan sa pagdinig ng Senado ay agad dumadalo at hindi na hinihintay na maipa-subpoena higit lalo ang mauwi sa pag-aresto.


Naikumpara rin ni Hontiveros ang “double standard” sa dapat na pag-surrender sa mga baril ni Quiboloy dahil sa 19 na napaulat na armas nito, lima lang dito ang isinuko na sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ng mambabatas na kapag ang isang ordinaryong tao ang nag-apply para sa permit-to-carry, batid na ang mga kondisyon na kapag na-deny o hindi ni-renew, isu-surrender ito agad at hindi paabutin ng anim na buwan.

Facebook Comments