DOUBLE TIME | LTO Dagupan dibdiban ang pag-tatrabaho!

Umabot sa 30,000 na backlog sa loob lamang ng isang taon na delay ng issuance of drivers licenses ng LTO Dagupan, na nagsimula noong November 2016. Kaya naman upang ma-resolba ito ay inumpisahan ng LTO Dagupan na mag-release ng drivers licenses noong November 2017 at sa kasalukuyan ay naibaba ito sa 21,000 backlogs na lamang.

Ayon sa kinatawan ng ahensya sa katauhan ni Ms. Aileen Peteros ang Transport Regulation Officer ng LTO Dagupan aabot sa 300 katao ang lumilinya para sa first come, first serve basis tuwing lunes hanggang biyernes at nasa 200 naman tuwing sabado. Siniguro naman ng ahensya na mayroon parin ang priority lanes para mabigyang prayoridad ang mga senior citizens, pwds, at mga buntis.

Sa ngayon alas-singko ng umaga hanggang alas-nuebe ng gabi lunes hanggang biyernes bukas ang LTO Dagupan, mas mahaba kesa sa karaniwang pasok nila na 8:00 am to 5:00 pm at bukas sila ng sabado ngunit nagsasarado ng mas maaga.


Humingi naman ng pasensya at pang-unawa ang ahensya para sa naging backlogs at sinigurong inaaksyunan na nila ito masolusyunan na ng tuluyan ang nasabing problema.

Facebook Comments