Down trend ng COVID-19 cases, hindi mapapanatili kung luluwagan ang quarantine restriction

Delikado pa ring luwagan ang quarantine restriction sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay dating Health Secretary Dr. Paulyn Jean Rosell-Ubial, posibleng hindi mapanatili ang down trend ng COVID-19 new cases kung agad na luluwagan ang quarantine level.

Para kay Ubial, dapat na magsumikap pa ang pamahalaan na lalong mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa partikular ang mahigpit na implementasyon ng health protocols, contact tracing at isolation.


Dapat din aniyang ituloy ang pagpapatupad ng mga evidence-based protocol gaya ng 1-meter physical distancing sa mga public transportation.

“Medyo pababa po ‘yong trend ng ating new cases pero kung luluwag po tayo ay baka hindi po ma-maintain ‘yong ganyang pagbaba. Delikado pa rin ‘yong posisyon natin. Nababahala kaming mga healthcare workers ‘pag sinasabi nilang bubuksan na ‘yong ekonomiya, luluwagan na ‘yong restrictions. Gusto po sana namin na ipagpatuloy ‘yong mga evidence-based na protocol,” ani Ubial sa interview ng RMN Manila.

Facebook Comments