Pababa na rin ang kaso ng COVID-19 sa walong highly urbanized cities (HUCs) sa Luzon.
Kabilang dito ang Angeles, Baguio City, Dagupan, Lucena, Naga City, Olongapo, Puerto Princesa at Santiago City.
Pero sa ngayon ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa high risk pa rin ang Baguio na may average daily attack rate (ADAR) na 31.28 per 100,000 population at Puerto Princesa na may 8.04.
Nakapagtala rin ng 0.54 na reproduction number sa Baguio at positivity rate na 28%.
Habang ang bilis ng hawaan ng virus sa Puerto Princesa ay nasa 1.37 at may positivity rate na 100%.
Nasa moderate risk naman ang Angeles, Dagupan, Lucena, Naga, Olongapo at Santiago.
Ayon naman sa Department of Health, apat na rehiyon pa sa Mindanao ang nananatiling high risk sa COVID-19 kahit nasa moderate risk na ang halos buong bansa.
Kabilang rito ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region at Soccsksargen.