Thailand – Isang kakaibang negosyo ang naisipan ngayon ng mag-asawa sa Thailand para sa mga mahihirap nilang kababayan na nais magpakasal.
Nagpaparenta kasi ang kumpaniyang Romantiese ng dowry o mga pera at yaman na iyong ipapakita sa mga magulang na iyong pakakasalan.
Nabatid kasi na ang dowry system ay matagal nang kultura sa Thailand kaya’t naisipan ng mag-asawang sina tawan at kangkai na magpa-renta ng pera, gold bars, alahas at mamahaling sasakyan para ma-impress ng groom ang pamilya ng kaniyang bride.
Bukod sa dowry, ipinaparenta din nila ang magarbong venue sa araw ng kasal pero hindi daw kasama dito ang pagkain.
Facebook Comments