Upang palaganapin ang transparency at mabuting pamamahala sa rehiyo, mas high-tech na ang Department of Public Works and Highway-ARMM.
Gamit ang drone ay mas madali nang ma-monitor at ma-inspeksyon ang mga ipinatutupad na proyektong pang-imprastraktura ng ARMM government lalo na sa malalayong komonidad na at sa mga lokalidad na naapektohan ng mga nakalipas na kaguluhan.
Ipinagmamalaki din ng DPWH-ARMM ang pagkakaroon nila ng reel-time updates hinggil sa progreso ng mga proyekto sa pamamagitan ng database nito na tinawag na e-ARMM o Expanded ARMM Roads Management Mapping System na accessible naman sa publiko sa pamamagitan ng website ng ahensya.
Maaring masilayan ang Geo-tagged photos, POW at project reports sa e-ARMM samantalang ang mga kuha namang larawan at videos ng drone mula sa pag-iinspeksyon ng mga proyekto ay ina-upload sa DPWH-ARMM On The Road facebook page at sa iba pang social media accounts ng ahensya.
DPWH-ARMM, gagamit ng drone upang ma-monitor ang mga ipinapatupad na proyento!
Facebook Comments