DPWH at ilang mga tauhan ng pamahalaan, nagkasa ng ocular inspection sa National Museum

Photo Courtesy: Radyoman Emman Mortega

Nagsagawa ng ocular inspection ang ilang mga personnel ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ilang ahenisya ng pamahalaan sa National Museum.

Ito’y may kaugnayan sa nalalapit na panunumpa ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa June 30 bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

Inikot ng mga tauhan ng DPWH na pawang miyembro ng inauguration committee ang labas at loob ng National Museum partikular sa Old Legislative Building.


Maging ang mga itinayong platform at mga lugar na pagpu-pwestuhan ng mga dadalalo sa panunumpa ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay nais masiguro ng inauguration committee na nasa ayos na ang lahat.

 

Kasama rin nagtungo sa National Museum ang ilang tauhan ng Manila Police District (MPD) at Police Security and Protection Group ng Philippine National Police (PNP).

Matatandaan na una ng nag-abiso ang pamunuan ng National Museum na pansamantalang isasara ang National Museum of Fine Arts sa loob ng halos isang buwan, bilang parte ng paghahanda at pagsasa-ayos ng Inauguration Committee.

Ito’y magsisimula sa Lunes June 6 – July 4, 2022 kaya’t humihingi sila ng pang-unawa sa publiko.

Facebook Comments