DPWH Build, Build, Build Committee Chairperson Anna Mae Lamentillo, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Anna Mae Lamentillo, Chairperson ng Build, Build, Build Committee ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na siya ay positibo sa COVID-19.

Sa kanyang post sa kanyang facebook account, sinabi ni Lamentillo na noong July 16, 2020 siya sumailalim sa swab test at ngayong araw lumabas ang resulta kung saan siya positibo sa virus.

Una nang kinumpirma ni Public Works Secretary Mark Villar na positibo siya sa COVID-19.


Facebook Comments