DPWH district engineers na sangkot sa korapsyon, agad sinibak sa puwesto

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad ipinatupad ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ang ilang district engineers na sangkot sa korapsyon.

Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, kasunod ng direktiba ni Pangulong Duterte ay patuloy nilang ipapatupad ang lahat ng hakbang para masawata ang korapsyon sa ahensya.

Aniya, mananatili ang zero tolerance policy sa anumang panunuhol at korapsyon.


Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Villar na magsumite ng listahan ng lahat ng district engineers sa buong bansa, kabilang ang distrito kung saan sila nakalataga para sa malawak na balasahan.

Facebook Comments