DPWH, DOH-ARMM, buena mano sa GISA-2018!

Ang Department of Public Works and Highways-ARMM at Department of Health-ARMM ang unang sumalang sa Governor’s Initiative for Systems Assessment (GISA) ngayong 2018.
Iprenisenta ni DPWH-ARMM Sec. Don Mustapha Loong kay ARMM Gov. Mujiv Hataman na s’yang tagapangasiwa ng GISA ang physical at financial accomplishments para sa CY 2012- 2017.
Iprenisenta din ang report hinggil sa estado ng infrastructure projects noong 2017 sa limang lalawigan ng rehiyon.
Samantala, nagbigay ng updates si Department of Health-ARMM Sec. Jojo Sinolinding hinggil sa health conditions sa rehiyon, employment ng health workers at ang construction ng health related infrastructures and facilities.
Ang GISA ay instrumento sa pagmonitor at evaluation sa performance ng bawat regional line agency pati na ang pagpapatupad nila ng mga proyekto, paggamit ng budget at pagsunod sa patakaran at regulasyon ng gobyerno.
Ayon kay Gov. Hataman, ang “regional governor, bilang head ng regional government ay laging accountable sa performance ng lahat ng line agencies.

Facebook Comments