Sinimulan nang gawin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga shipping containers bilang mobile health facilities ng para sa COVID-19 dahil sa tumataas na bilang ng kaso nito.
Ayon kay Secretary Mark Villar, isang prototype health facility ang na-covert na ng DPWH National Capital Region (NCR) mula sa shipping container.
Sinabi ng kalihim na baganat bumagal ang pagkalat ng infection ng virus dahil sa enhanced community quarantine, kinakailangan pa rin maghanda sakaling lumala ang sitwasyon.
Ang convertion ng shipping containers ay inirekomenda ng kalihim bilang emergency healthcare facilities kung saan ginagawa rin ito worldwide.
Dagdag pa ni Villar, inihahanda na rin ang disenyo ng plano para sa apat na high cube containers na 40 feet ang haba, 8 feet ang lapad at 9 feet ang taas kung saan pagsasamahin ito upang makabuo ng mobile field hospitals para sa posibleng isolation at treatment ng 16 na pasyente na masusuri ng DOH bilang mga probable COVID-19 case
Base sa plano, hahatiin ang container sa apat na kuwarto, at ang dinisenyo nito ay depende sa panuntunan at rekomendasyon ng DOH.
Magkaroon din ito ng tamang ventilation at comfory room sa bawat kuwarto sakaling kailanhanin ang full isolation ng bawat probable case patient.
Inihahanda na rin ng DPWH ang disenyo ng high cube shipping containers na 20 feet ang haba na maaring gawing nurse stations , utility room at hiwalay na pansamantalang tuluyan ng mga healthcare service personnel na ilalagay naman sa mga hospital grounds o public open spaces.