DPWH, humingi ng paumanhin sa kulang na datos na isinumite sa Senado

Humingi ng paumanhin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kakulangan ng inisyal na datos na kanilang isinumite sa Senate Committee on Finance.

Ito ay kaugnay ng aplikasyon para sa updated na Construction Materials Price Data (CMPD).

Ayon sa DPWH, aminado ang ahensya na limitado ang impormasyong naibigay sa komite, dahilan upang hindi agad matukoy ang project-level adjustments sa halos 10,000 proyekto sa buong bansa.

Dahil dito, nagsumite na ang kagawaran ng karagdagang project-category-based data na naglalaman ng mas detalyadong impormasyon upang magsilbing mas makatotohanang batayan sa pagpopondo.

Muli namang tiniyak ng DPWH na ang lahat ng adjustments ay naaayon sa transparency, at isinagawa nang may technical integrity at operational feasibility.

Facebook Comments