DPWH, inaming delayed ng 852 days ang New Senate Building project

Inamin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na delay ng 852 days ang pagpapatayo ng New Senate Building (NSB) sa Taguig City.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Senate Committee on Accounts Chairman Alan Peter Cayetano na may mga nagpapalabas na sila ni Senate President Chiz Escudero ang nagpapa-delay ng nasabing proyekto.

Tinanong ni Cayetano ang DPWH na noong hindi pa sila ni Escudero ang sumalo sa proyekto ay ilang araw na itong nabinbin lalo’t mula 2020 ay maraming pinagdaanan ang bansa tulad ng COVID-19 pandemic.


Ayon kay Project Director Soledad Florencio, delayed ng 852 na araw ang konstruksyon ng NSB pero ito ay dahil sa mga variations o ilang mga pagbabago na ginawa ng DPWH.

Sinabi naman ni dating Project Manager III Jose Manuel Aguinaldo na magkakaroon talaga ng delay sa proyekto kung hindi ito agad na magagawa.

Samantala, sa mga variations na ginawa ng DPWH, umabot sa P549 Million ang nadagdag na gastos sa NSB.

Facebook Comments