DPWH, inilipat sa Philippine Competition Commission ang dalawang kaso ng pagmamanipula sa bidding

Inilipat na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Philippine Competition Commission (PCC) ang dalawang kaso ng bid manipulation para sa preliminary inquiry at posibleng pagsasampa ng kaso sa ilalim ng Philippine Competition Act.

Ang unang kaso ay kinasasangkutan ng Wawao Builders, IM Construction, SYMS Construction Trading, St. Timothy Construction, at ilang opisyal ng DPWH Bulacan 1st District.

Matatandaan na base sa imbestigasyon ng Senado, Kamara, DPWH, at Commission on Audit (COA), may iregularidad sa procurement ng ilang flood control projects sa Bulacan.

Ang ikalawang kaso naman ay kinasasangkutan ng Sunwest, Inc. at mga opisyal ng DPWH Regional Office IV-B sa Oriental Mindoro, na hindi kumilos sa gitna ng mga iregularidad at ipinagpatuloy ang proyekto.

Base sa nakasaad na patakaran ng PCC, kung mapatunayan ang nagkasala, maaaring magpataw ng multa mula ₱110 milyon hanggang ₱250 milyon. Maaari ring managot ang mga opisyal ng DPWH bilang facilitators.

Facebook Comments