DPWH, ipapatawag sa Senado para masilip ang kahandaan sakaling tumama sa bansa ang isang napakalakas na lindol

Aalamin ng Senado ang kahandaan ng bansa sakaling tumama ang malakas ng lindol o ang pinangangambahang ‘The Big One’.

Kasunod na rin ito ng nangyaring malakas na lindol sa Morocco na ikinasawi ng halos dalawang libong tao.

Ipapatawag ng Senado ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para pagpaliwanagin sa kahandaan ng Pilipinas lalo na kapag tumama ang pinangangambahang malakas na lindol.


Ayon kay Public Works Committee Chairman Ramon Bong Revilla Jr., nais niyang malaman kung ano na ang ginawang retrofitting at pag-aaral ng ahensya sa mga gusali, tulay at iba pang pampublikong istruktura.

Sinabi pa ni Revilla na hindi lang dapat basta nagsasagawa ng earthquake drill kundi kailangan ding malaman ang kahandaan ng mga ahensya ng pamahalaan sa mga kahalintulad na sakuna o kalamidad.

Sa naunang report ng DPWH sa komite ni Revilla ay aabot sa halos anim na libong ga istruktura sa Metro Manila ang sinasabing delikado at maaaring gumuho kapag may malakas na lindol.

Kabilang na rito ang may apat na libong mga school buildings at public buildings.

Facebook Comments