Cauayan City, Isabela- Handa na ang Isabela 4th District ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagtatanim ng 1 milyong punong kahoy sa loob lamang ng isang araw na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.
Ayon kay Engr. Edmund de Luna, DPWH-Isabela 4th District na naka-base sa bayan ng San Isidro, handa na ang kanilang manpower o 50 na mga empleyado na magtanim ng punong kahoy sa Sitio Lagis, Sindon Bayabo, City of Ilagan.
Umaabot sa 1,000 punong kahoy ang kanilang ibabahagi sa naturang programa.
Maliban sa naturang ahensya ay handa na ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno Isabela Gov. Rodito Albano III na siyang namuno sa naturang aktibidad ngayong araw ng Biyernes, December 20, 2019.
Handa na rin ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan, Non Government Organization o NGO’s, mga BRO-Scholars, mga religous group, volunteers, at iba pang organisasyon.