Pinag-aaralan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na lagyan ng bike lanes ang mga kasalukuyan at mga bagong kalsada sa bansa.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar – isinusulong nila ang pagkakaroon ng bike lanes at malawak na sidewalks.
Kabilang sa mga pinaplanong lagyan ay sa Intramuros, Maynila at sa mga kalsada katabi ng Ilog Pasig.
Layunin nito na pagandahin ang pedestrian infrastructure ng bansa.
Ang DPWH at Department of Transportation (DOTr) ay inatasang gawing pedestrian-friendly at bicycle friendly ang mga kalsada.
Facebook Comments