
Lumagda ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Philippine Competition Commission (PCC).
Ito’y para mapalakas pa ang pagpaaigtingin ng transparency, integridad, at patas na kompetisyon sa pagpapatupad ng mga nakalinyang proyekto ng pamahalaan.
Ayon kay Sec. Vince Dizon, bukod kay Chairperson Michael Aguinaldo, pumirma rin sila ng MOA sa Anti Money Laundering Council (AMLC) sa pangunguna ng Executive Director nito na si Atty. Matthew David.
Sinabi ni Dizon na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsanib-puwersa ang tatlong ahensya para sa ganitong uri ng kasunduan upang maprotektahan ang pondo ng taumbayan.
Binigyang-diin ng ahensya na ang hakbang na ito ay pangmatagalan upang matigil na ang katiwalian at matiyak na maayos ang paggamit ng pondo ng bayan.
Sa ilalim ng kasunduan, tutulong ang PCC sa pagtiyak ng patas na kompetisyon sa mga bidding at procurement process, habang ang AMLC naman ay makikipag-ugnayan upang matunton at maiwasan ang anumang money laundering na posibleng may kaugnayan sa mga proyekto.
Isa rin sa layunin ng MOA na higit pang mapatatag ang transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng gobyerno, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdiannd Marcos Jr. para sa malinis, tapat, at mahusay na pamahalaan.










