
Maghahanap ng mga alternatibong paraan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para mas mapabilis ang planong pagsasaayos sa EDSA.
Ito’y matapos na suspendihin ni Pangulong Bongbong Marcos ang nakatakda sanang EDSA Rebuild Project na pinaglaanan ng P8.7 billion na pondo.
Sa isang panayam kay DPWH Sec. Manuel Bonoan, sinabi nito na inatasan sila ng Pangulo na maghanap ng ibsng paraan para hindi magtagal ang pagsasaayos sa EDSA.
Dagdag pa ng Kalihim, titingnan nila ang ibang paraan o teknolohiya sa ibang bansa na kanilang magagamit para mapaikli ang panhin ng proyekto.
Hindi naman pabor si Bonoan sa mga mungkahi na maglagay ng 2nd level na kalsada sa EDSA dahil mas lalo pa itong matatagalan.
Aniya, isa sa naging dahilan ng Pangulo sa pagsususpindi ng EDSA Rebuild Project ay ang posibleng mahirap na kalagayan ng mga motorista kapag sinimulan ng gawin ito.









